Pamahiin
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - August 13, 2019 - 12:00am

Susuwertehin ka kung ang iinuming gatas, kape o tsa ay may bubbles sa ibabaw.

Malas magsabit ng bagong kalendaryo nang hindi pa nagpapalit ang taon.

Malas din ilipat ang pahina ng kalendaryo nang hindi pa naglilipat-buwan.

Hindi gaanong su­suwer­tehin ang batang ipi­nanganak sa Biyernes Santo.

Kung lilipat ng bahay, ang masuwerteng dalhin ay bagong biling walis.

Masuwerteng mag-alaga ng black cat.

Masuwerteng may pumasok na black cat sa bahay ninyo at lalong masuwerte kung tuluyan nang tumira ito sa inyo.

Masamang pangitain ang managinip ng black cat ang isang taong may mabigat na karamdaman.

Masuwerteng mag-ingat ng coins na may butas (Chinese coins); coins na may year of birth mo; coins na baluktot; coins na napulot sa daan habang umuulan; coins na nang pulutin mo ay nasa ibabaw ang “head”.

Masuwerteng ilagay sa kitchen ang isang garapon na puno ng coins.

Mag-wish ka kung isusuot mo for the first time ang bagong biling damit.

Ang sanggol na ma­lakas at matagal umiyak ay mahaba ang buhay.

Masuwerte ang panga­lang may 7 letters.

Masuwerte kung ang initial mo (first name, middle name at family name) ay nakabuo ng isang salita. Halimbawa: CAT, WIN, etc.

Malas kung ang pangalan ay may 13 letters.

Malas kung ipapangalan sa baby ay pangalan ng namatay na bata.

PAMAHIIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with