Kape at honey sa mukha
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - August 10, 2019 - 12:00am

Itinuturing na wonder beans ang kape dahil sa rami ng benepisyo na maaari nating makuha rito. Bukod sa karaniwang hot coffee, naglabasan na rin ang maraming ‘recipe’ rito tulad ng coffee cake, iced coffee, smoothie, at kung anu-ano pang ginamit ng kape.

Pero alam n’yo ba na pwede ring ilagay ng direkta sa mukha ang kape para mas bumata at kuminis ang ating kutis?

Dalawang sangkap lang ang kailangan, kape at gatas. Una sa lahat ay dapat siguraduhing purong giniling na coffee beans ang gagamitin at low-fat milk. Pagsamahin lang ang mga ito hanggang sa makabuo ng malapot na mixture kaya dapat ay alalay lang sa paggamit ng gatas. Ilagay sa mukha (iwasan ang area na malapit sa mata) at iba­bad sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Pagkatapos ay banlawan sa maligamgam na tubig.

Bukod sa siguradong kikinis at babata ang hitsura, nakapagpapaganda rin ito ng sirkulasyon ng dugo.

Maaari ring gamitin ang pinagsamang kape at honey. I-massage lamang ito sa mukha ng limang minuto at saka banlawan.

HONEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with