^

Hirap mag-move on

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - August 3, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Randy. May gf ako noon, niloko ako at pinaasa lang. Sobra po akong nasaktan sa ginawa niya noon. Umalis po siya dito sa amin at 6 na buwan din siyang hindi bumalik dito. Akala ko tuluyan ko na siyang nakalimutan. Ngayon po nandito siya. Nung makita ko siya akala ko naka-move on na ako pero hindi pa pala. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon pero natatakot na ulit akong masaktan. Ano po ang paraan para makalimutan siya kasi ayaw ko nang masaktan ng dahil sa kanya.-Randy

Dear Randy,

Pag-aralan mo na siyang kalimutan. Lalo ka lang masasaktan kung patuloy mo siyang iisipin. Mahal mo siya, pero siya ba’y mahal ka pa? Ipagpasalamat mo at habang maaga’y nakilala mo ang tunay niyang pagkatao. Ituring mo na lang siyang bahagi ng iyong nakaraan at matutong tanggapin na hindi siya ang babaeng karapat-dapat sa pagmamahal mo. Marami ka pang makikilalang higit sa kanya kaya ‘wag mo siyang panghinayangan.

Sumasaiyo,

Vanezza

MOVE ON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with