Management ng breakdown

Paano nga ba i-manage ang mental breakdown? Puwedeng ma-break ang cycle ng psychological o kahit ang behavioral  na pagkabalisa sa maraming kaparaanan.

Makipag-appointment muna sa inyong doktor o primary care na mayroong kumpletong physical examination upang siguraduhin na ang mga sintomas ay hindi dahil sa medical na problema.

Upang malaman kung anong klaseng therapy ang kailangan ng pasyente; kung talk therapy ba o cognitive behavioral therapy.

Para mabigyan din ng tamang prescription ng medication mula sa doktor kung kailangan ng antidepressants o antianxiety medication upang ma-treat ang mga sintomas.

Saka lang marerekomenda rin ng doktor ang ibang alternative na treatment gaya ng acupuncture, massage therapy, o yoga.

Pero kung overwhelm pa rin ang nararamdaman sa pasaway na breakdown, puwedeng idaan sa ibang strategies para ma-manage ang sarili.

Huminga nang malamin at magbilang pabaligtad mula sa numero 10. Puwede rin gawin ito kapag nababalisa o nai-stress. Mas epektibo ang pagkanta o sabayan ang music upang ma-release ang tension sa mga nakababaliw na pagkakataon.

Bawasan din ang caffeine at alcohol mula sa inyong diet.

Kailangang din i-develop ang sleep schedule na magkaroon ng routine ng oras ng iyong pagtulog para ma-relax kinabukasan. Makatutulong kung mag-shower muna bago humiga. Higit sa lahat ay ikontrol na i-switch off ang mga electronic devices upang hindi masira ang tulog sa oras na dapat ay nagpapahinga na. Para hindi inaabot ng madaling araw sa kakalaro, kaka-chat, o panonoood ng movies sa inyong gadgets.

Show comments