Saging con yelo ngayong tag-init
Ang saging con yelo ay maituturing na isa sa mga paboritong dessert dish ng mga Pinoy.
Paborito ito lalo na ngayong summer. Bukod sa mura, madali lang kasi ito ihanda at pwede ring pang-negosyo.
Ingredients:
5 pieces saging na saba
3/4 cup brown sugar
1 1/2 cups water
1 teaspoon vanilla extract
1/4 teaspoon salt
½ cup evap milk
Yelo
Sago
Instructions:
1. Painitin ang cooking pot at magpakulo ng tubig.
2. Sunod na ilagay ang brown sugar at haluin hanggang ma-dilute ito.
3. Sunod na ilagay ang asin at vanilla extract.
4. Ilagay ang saging na saba at sago at i-simmer sa katamtamang apoy ng sampung minute.
5. I-turn off ang heat at palamigin ang saging.
6. Ilagay ang ice sa lagayan, at ang saging na hiniwa ng cubes. Sunod na ilagay ang evaporated milk.
- Latest