Spicy tokwa’t baboy
Ang spicy tokwa’t baboy ang isa sa pinakapaboritong pulutan ng mga Pinoy. Mapapansin na present ito sa halos lahat ng menu ng mga bar dahil madali lang itong gawin.
INGREDIENTS
Kalahating kilo ng liempo
Tokwa
Onion leeks
Dahon ng tanglad
3 cups cooking oil
SPICY VINEGAR INGREDIENTS
1½ cup puting suka
½ cup toyo
2 tablespoons asukal
1 ½ to 2 teaspoons ng asin
5 siling labuyo
3 siling pansigang sliced
1 red onion
¼ paminta
INSTRUCTIONS
1. Iprito ang liempo hanggang maging golden brown at maging crispy at i-set aside hanggang lumamig.
2. Sunod na iprito ang tokwa at i-set aside rin hanggang lumamig.
3. Hiwain ang liempo at tokwa ng maliliit at muling iprito para maging crispy.
4. Sa malaking lagayan, pagsama-samahin ang ingredients ng spicy vinegar at ilagay sa pinagsamang tokwa at baboy. Burp!
- Latest
















