Paano gamutin ang tigdas?
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Ang measles o rubeola ay isang viral infection ng respiratory system. Ang tigdas ay nakakahawa na puwedeng sa pamamagitan ng contact sa infected mucus at laway.

Ang infected na tao ay puwedeng maglabas ng infection sa hangin kapag ito ay bumabahing o umuubo.

Ang measles virus ay maaaring magtagal nang ilang oras sa mga gamit, bagay, o paligid. Kapag ang infected particles ay nadala ng hangin at manatili sa ibabaw ng  gamit, kalimitan ang mga taong malapit sa impektadong paligid ay madaling mahawaan.

Ganundin kapag uminom sa baso ng may sakit at pag-share ng mga utensils na ginamit ng pasyente ay mataas ang panganib na mahawaan.

Ang tigas ay pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga bata ayon sa World Health Organization (WHO).

Kapag may suspetsa ng tigdas ay agad na magpatingin sa doktor. Lalo na kung walang measles vaccine at my contact sa infected na pasyente. Walang prescription na medication upang gamutin ang measles. Ang virus at sintomas ay typical na mawawala sa loob ng tatlong linggo.

Paano gamutin ang tigdas?

1. Ang doktor ang magbibigay ng gamot upang mawala ang lagnat at pananakit ng muscles.

2. Kailangan nang sapat na pahinga para ma-boost ang immune system.

3. Uminom ng mara­ming tubig na 6 - 8 basos sa isang araw.

4. Kailangan ng humidifier upang maibasan ang ubo at pananakit ng lalamunan.

5.  Mag-take ng vita­min A supplements na bigay ng doktor.

6. Pabakunahan ang anak na 12 months, second dose sa edad sa pagitan ng 4 – 6. Pati ang adults na walang immunization vaccine.

7. Limitahan ang pag­lapit sa miyembro ng pamil­ya na may tigdas.

Kung may tigadas ay huwag pumasok sa school, trabaho, at iwasan ang social activities. Magsuot ng face mask.

MEASLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with