Ensaladang labanos
Ang ensaladang labanos o pickled radish ay isang uri ng side dish na bagay na bagay i-partner sa mga pritong pagkain gaya ng litson kawali, pritong isda o maging sa mga inihaw tulad na lang ng chicken inasal, inihaw na bangus at iba pa.
Tatagal ito sa refrigerator ng hanggang isang linggo kaya kung kayo ay may family outing, tiyak na isa ito sa magpapasarap sa picnic ninyo.
Kakailanganin sa recipe na ito ang mga sumusunod:
Dalawang malaking labanos
Kalahating tasa ng asin
Isang hinog na kamatis
Sibuyas
Sili (optional)
Suka
Asukal
Paraan ng paggawa ng atsarang labanos:
1. Hiwain ng maninipis ang labanos. Pagkatapos ay ilagay sa lalagyan at saka ihalo sa asin ng mabuti. Ibabad ng 30-45 minuto.
(Ginagawa ito para alisin ang pakla at pait)
2. Hugasang mabuti ang labanos na binabad sa asin at i-drain.
3. Sa isang bowl, ilagay na ang labanos, hiwang kamatis, sibuyas, sili, asukal, suka, at konting asin.
4. Ilagay sa glass container at ilagay sa ref. Pwede na itong kainin kinabukasan
- Latest
















