^

Para Malibang

Responsibilidad ng magulang

Pang-masa

Bilang tatay ay mahalagang maging active sa pakikipag-dialogue sa mga anak na lalaki at babae tungkol sa mga isyu ng buhay. Lalo na ang usapang sex na mas maagang edad hanggang sa paglakad nito sa aisle patungo sa altar ng mga anak.

Kailangang may commitment ang mga daddy na patuloy na magkaroon ng patuloy na komunikasyon kung paano mag-deal ang mga anak na dalaga at binata sa pagkakaroon ng relasyon sa opposite sex.

Sa practical na pananaw, kung gagastos ng malaking pera para bumili ng bagong kotse, personally dapat ay alam kahit paano ang pagpapaandar ng kotse. Hindi ka lang basta na manghihingi ng advice sa kung sino kung paano bibili ng kotse. Kundi lalapitan sa expert agent na talagang marunong pagdating sa kotse.

Ganundin sa mga anak na babae, kailangang makinig sa mga sinasabi ni tatay. Gusto lamang makatulong ni daddy na magabayan ang kanyang prinsesa na hindi magkamali sa desisyon nito sa buhay.

Importante ang pag-monitor nina tatay at nanay sa kanilang mga anak sa pakikipagrelasyon ng mga anak. Kung hindi ito gagawin nina mommy at daddy, ang mundo at ibang tao mismo ang manghihimasok sa posisyon na dapat ay responsibilidad ng mga magulang.

MAGULANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with