Master Plan sa Pagsasama ng Mag-asawa
May subject sa elementary dati ng pananahi para sa babae o lalaking estudyante. Nakawiwili tingnan ang mga libro ng pattern tungkol sa sewing. Masayang pumili ng style ng parttern at gupitin sa maliliit na papel na indikasyon kung paano gagawin ang kabuuan ng damit.
Ang maliit na shape para sa braso, sleeve, at hugis ng katawan mula sa harap at likod ay walang saysay kung hindi bubuuin ang pattern para sa pagtatahi ng clothing.
Maraming bagay sa marriage na lahat ay nakikita ang mga piraso. Mayroong part ng romance, conflict, gawaing bahay, pagbabayad ng mga bills, at pagpapalaki ng mga anak. Pero dahil nasosobrahan sa pagtutok ng oras sa pagpokus sa indibidwal na part ng marriage, hindi namamalayan ang mas malaking picture na nakadisenyo sa pangarap na konsepto ng mag-asawa.
Ang pattern sa mag-asawa ay hindi nakasalalay sa emosyon na puwedeng matatag ngayon, pero maaaring iba na bukas. Ang Biblical pattern at plano ng marriage ay ginawa ayon sa isipan ng Diyos na ang pag-ibig ay higit pa sa inaasahan. Kaya muling bubuuin ang pira-pirasong bahagi kung saan ito kabilang na disenyo ayon sa magandang hugis sa uri ng pagsasama ng mag-asawa.
Sina mister at misis ay dapat magkatuwang sa pagdidisenyo sa master plan na pagbuklurin ang buong pamilya hindi sa gusto ng mag-asawa, kundi dahil sa magandang plano ayon sa kalooban ng Diyos .
- Latest

















