^

Para Malibang

Paggamit ng Chopstick saTaiwan

KULTURA - Pang-masa

Lahat ay nakakakita ng chopsticks alam kung ano ito, pero hindi pamilyar sa kahalagahan nito sa ibang bansa gaya ng Taiwan. Ang mga tao sa Taiwan ay pinapahalagahan ang hard work, pagpapasensiya, pagpapakumbaba, at pakikipagkaibigan. Ang mga negosyante ay gusto munang kilalanin ang tao bago sila makipagnegosasyon. Para malaman ng negosyante kung anong klase ang personality ang kanilang kausap ay nagyaya ang host ng isang meal upang nalalaman kung paano ito gumamit ng chopsticks.

Para sa mga Taiwanese, okey sa kanila na iangat ang bowl malapit sa bibig upang masubo ang pagkain gamit ang chopstick. Wala ring problema sa Taiwanese ang paggamit ng chopticks para pang cut ng soft food upang mahati sa maliliit na portion para sa mga bata.

Tandaan lang na ang host ang naglalagay ng pagkain muna sa pinggan ng bisita. Lahat ay tumutulong na maglagay ng maliliit na portion mula sa iba’t ibang putahe. Gamit ang iyong chopsticks ay tikman agad ang mga pagkain dahil naghihintay sila sa iyo bago sila kumain. Huwag sisimutin ang pagkain gamit ang iyong chopsticks, kundi mag-iwan ng konting rice sa bowl. Lagi ring mag-iiwan ng konting pagkain sa plato tuwing matatapos kumain. Huwag gagamit ng kamay para isiksik ang pagkain gamit ang chopsticks, ito ay kabastusan o hudyat ng pagkakaroon ng bad manners.

Siguraduhin na kapag tapos nang kumain ay ilagay ang chopsticks na magkasama sa lamesa na naka-rest. Ayaw nilang magkahiwalay ang chopsticks o isa lang ang gamit bilang sensyales ng kawalan ng pagkakaisa sa pamilya o negosyo.

vuukle comment

CHOPSTICK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with