_pang-masa
^

Ginawang dakilang yaya

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - October 28, 2018 - 12:00am

Dear Vanezza,

Nakapisan ako sa bahay ng tito ko na ang promise ng misis niya ay pag-aaralin ako ng college. Pero isang taon na ang lumipas ay hindi naman ako ipinasok sa  kahit anong school. Ginawa lamang akong dakilang yaya ng mga anak nila. Hindi rin ako binibigyan ng suweldo o allowance. Gusto ko na talagang mag-aral kahit pa maging working student ako. Ano ba ang gagawin ko? – Juliet

Dear Juliet,

Magpaalam ka nang maayos na  aalis sa kanilang bahay.  Sabihin ang iyong plano para magkaroon ka pa rin ng pabor sa iyong tito. Pero siguraduhin munang mayroon kang mapapasukang trabaho. Para unti-unti mong matupad ang iyong pangarap na makapag-aral. Huwag kang sumuko at magtiyaga hanggang makatapos sa kolehiyo.

Sumasainyo,

Vanezza

YAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with