Hugas-bigas
Nauna nang naisulat sa kolum na ito ang napakaraming benepisyo ng rice water o pinaghugasan ng bigas sa ating balat at buhok.
Ilan sa mga ito ay ang pagpapalambot at pagpapadulas ng buhok, pagpapaputi at pagpapalambot ng balat, at pwede ring ilagay sa dry na balat.
Pero bukod sa mga ito, pwede rin palang gamitin ang pinaghugasan ng bigas sa inyong mukha para mabawasan ang paglitaw ng malalaking pores.
Nagtataglay ito ng antioxidants na mayroong moisturizing at healing properties na mainam sa ating balat. Dahil dito kaya ginagamit ito sa acne at sa pagtatanggal ng spots dulot ng pagkakaedad o dahil sa taghiyawat.
Ilan sa mga dahilan kung bakit lumalaki ang ating pores ay dahil sa mga chemicals na ginagamiot natin, sa polusyon at iba pa. Dahil dito ay nagmumukhang matanda ang ating hitsura.
Simple lang para gawin ito, paghaluin lang ang kalahating tasa ng bigas at ang dalawang tasa ng tubig. Pagkatapos ng 15 minuto, salain ang tubig sa bigas at ilagay sa malinis na lagayan. Gumamit ng bulak sa application nito sa mukha at hayaang matuyo.
Pagkatapos nito ay agad na mapapansin ang maaliwalas na mukha.
- Latest
















