^

Para Malibang

Blood donation na pang sagip buhay

Pang-masa

Ngayong Hulyo ay blood donation month na ipinagdiriwang sa bansa. Ang desisyon na mag-donate ng dugo ay maituturing na mahalagang regalo na maibibigay ng kahit sino. Maaaring makapagsagip ito ng buhay sa mga nangangailangan. Ang ating dugo ay nahahati sa iba’t ibang components na red cells, plates, at plasma na ang bawat pasyente ay mayroong specific na kondisyon na kailangang mapunan.

May mga requirements na sinusunod na hindi lahat ay maaaring makapasa sa screening bago kunan ng dugo. Una, dapat ay fit at healthy mula sa edad na 16 - 65 years old. Mas bata sa edad na 17 years old ay kailangang may consent ng guardian. Ang BP: <160 mmHG (Systolic) <10 mmHG (Diastolic). Weight ay at least 50 kg. Walang sore throat, hindi masakit ang ulo, walang ubo, sipon, at lagnat na makalipas ang 2 linggo. Walang maintenance medication (hypertension, diabetic, etc.) Walang hika o allergies (symptomatic). Mahigit isang taon nang nagpabutas ng tainga. Hindi nanganak o walang surgery ng mahigit isang taon. Walang anti tetanus at anti rabies ng mahigit 1 year. Ang antibiotic ay mahigit 1 buwan na ang intake. Walang iniinom na gamot na mahigit 1 linggo. Hindi nagsisigarilyo ng mahigit 24 hours bago ang donation. Walang menstruation ng 7 araw bago ang donation. Nakatulog ng 6-8 hours. Walang tattoo. Walang ininom na alak sa lumipas na 12-24 hours. Ang huling donasyon ay 3 months. Hindi nabunutan ng ngipin sa loob ng 3 araw. Walang flu vaccine ng 1 buwan, at marami pang medical na katanungan na sasagutan upang matiyak na pasadong makapag-donate ng dugo ayon sa DOH Blood Donor Selection and Counseling Manual.

BLOOD DONATION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with