Boundaries ng Pamilya
Laging kailangan ng tapang sa pagpapalaki ng mga anak na ayon sa biblical standard lalo kung minsan ang kultura at lipunang kinagisnan ay hindi sumusuporta o sumasang-ayon sa magandang value upang maprotektahan ang mga anak.
Hindi madaling maging magulang, pero una sa lahat ay dapat mahalin ang mga anak na nagkakamali rin. Minsan sina nanay at tatay ay lumalampas pa sa ilang standards; pero kung nararamdaman pa rin ng mga bata ang maging secure sa pagmamahal ng magulang, pwedeng hamunin ang anak na sumunod sa mataas ninyong standard na ibinibigay kaysa maging pasaway ang anak.
Kailangan lang mag-set ng matapang na boundaries para sa pamilya. Gawing maliwanag ang rules na dapat sundin ng miyembro ng pamilya. Tulad sa panonood ng movies, paggamit ng Internet, telepono, at cell phone. Kapag nakikipag-date at sino ang kasama ng anak. Curfews, pananamit, at ang pagtuturo ng tamang pagtrato sa opposite sex, kung hanggang saan ang limitasyon bago ang kasal.
Anoman ang courageous act na natupad sa buhay, isa rito ang pagiging determinadong mahubog ang mga anak. Bilang magulang ang isang heroic action ay hindi dapat magsawang paulit-ulit na paalalahanan ang mga bata na siyang duty at responsibilidad na protektahan nina daddy at mommy sa tamang standard ng buhay ng mga anak.
- Latest
















