Hello kitty murder case
Taong 1999 sa lugar ng Hong Kong, nagpunta si Ling Choi San sa pulisya para i-report ang isang kahindik-hindik na pangyayari.
Minumulto raw siya diumano ng kaluluwa ng isang babae, hindi siya pinaniwalaan ng mga pulis dahil ‘di naman sila naniniwala sa ganong bagay. Pero nagpumilit si Ling at nakiusap na imbestigahan ito.
Ayon sa imbestigasyon, sangkot pala ang nagsumbong. Isang 23 year old na si Fan Man-Yee na isang hostess sa club ang nagnakaw ng wallet na may nilalaman na $4,000 ng isang lalaking nagngangalang Chan Man-Lok, isang drug dealer na nakatira sa isang five bedroom apartment na naglalaman ng napakaraming koleksyon ng Hello Kitty. Mayroon din siyang koleksyon ng video games, dolls, at iba pang pornography.
Na-realized ni Fan na nakagawa siya ng isang pagkakamali kung kaya’t isinoli niya ang wallet ni Chan at dinagdagan pa ng $10,000 bilang paghingi ng dispensa. Hindi naman nakuntento si Chan sa idinagdag na pera ni Fan, nag-demand pa ito ng $16,000.
March 17, 1999, nang utusan ni Chan ang kanyang mga tauhan na kidnapin si Fan dahil hindi siya nakapagbigay ng hinihingi nito. Ang orihinal nitong plano ay pagbayarin lang si Fan bilang prostitute pero dahil lango sila sa droga, binugbog nila ito at tinorture. Sumali si Ling sa krimen at halinhinan nilang pinahirapan.
Nang mamatay si Fan, pinakuluan nila ang kanyang katawan na tumagal ng ilang araw para mapalambot bago i-chop-chop. Nilagay nila sa loob ng Hello Kitty mermaid doll ang bungo nito at ilan pang parte ng katawan.
Hindi nila alam, kung lango lang ba sa droga si Ling o dahil sa konsensiya kaya umamin, pero ang mahalaga ay nahuli na si Choi at iba pa nitong kasama. Si Ling naman ay nabigyan ng immunity dahil sa pag-amin kaya hindi na nakulong.
- Latest















