^

Para Malibang

Pangalawang Anino (423)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKURSUNADAHAN lang ni Lucifereo ang pumatay ng isang bellboy sa hotel na tinutuluyan.

At walang naiwan na bakas.

Kinabukasan ay natagpuan ang bangkay at duma­ting ang mga pulis.

Sinimulan ang imbistigasyon, pinag-aralan ang mga makukuhang ebidensya.

Takang-taka ang mga pulis.

Kasi wala silang makitang kahit anong bakas.

“Imposible ito. Galing na ng mga gamit natin, zero prints talaga.”

“Grabe lang, balingbali ang leeg, linis ng pagkabali. Hindi nahirapan ang gumawa nito.”

May lumapit.

“Ano nangyari rito?”

“Boss, puwede bang saka ka na lang mangialam kasi police investigation ito.”

“Tingnan mo, may nakita ka bang ibang sibilyan. Wala, di ba. Bawal dito ang hindi pulis pero basta ka nakapasok. Ang galing mo rin lumusot.”

“Alis na kundi ...”

Sa isang segundo lang, binali na naman ni Lucifereo ang leeg ng isang pulis.

Lumagutok.

Halatang malinis ang pagkabali ng mga buto at sumama kaagad ang laman ng leeg at balat.

Nayanig ang naiwang pulis.

“Ikaw ang gumawa. Ang kriminal!”

Poker faced pa rin si Lucifereo. “Ano ang gusto mo. Ganoong kamatayan din. `na kapag iniimbitahan ang ibang crime technologists ay mapapatanga din. Mga personnel ay hindi rin nila alam paano ang pagkatanggal din ng balat sa leeg, walang trauma.”

Nanlilisik ang mga mata ni Lucifereo.

Unti-unting pumupula.

Hanggang nagliliyab na.

At isang mala-lubid na apoy ang lumabas sa dalawang mata, nagsanib ang mga apoy.

At humaba, Biglang pumulupot sa leeg ng natitirang police officer na buhay.

Sa isang konting tango ni Lucifereo, walang sigaw na lumabas sa officer nang biglang humigpit ang apoy na lubid. Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with