^

Para Malibang

Iba’t ibang klase ng fasting

Pang-masa

Mayroong sekreto ang healing therapy para sa spiritual, physical, at emotional health na isang kabuuang level sa lahat ng nasabing kategorya.

At tinawag itong Daniel Fast. Ang fasting ay isang natural na disiplina na nagbibigay ng supernatural na resulta. Marami na ang nag-ayuno sa kuwento ng Bible mula kay Moses, Elijah, Esther, Ezra, Job, David, Daniel, Peter, Paul, at kahit ang Panginoong Hesus. Hindi lang sila nag-fasting ng dalawang araw, ang Panginoong Hesus at Moses ay tumagal ng 40 days.

Ang fasting ay pag-iwas mula sa pagkain, inumin, at entertainment depende kung ilang araw para magkaroon ng benepisyo ang body, mind, at spirit.

Maraming klase ng pag-aayuno na una ay ang ‘standard fasting’ na umiinom lamang ng tubig. ‘Absolute fast’ na walang tubig o pagkain.

‘Partial fast’ na limitado sa iilang pagkain at drinks lamang. ‘Intermittent fast’ na kakain ng maliit na portion lamang araw-araw mula halimbawa ng 1 p.m. -6 p.m.

Ang Daniel Fast ay base sa diet ni Daniel na isang propeta na mababasa sa Book of Daniel. Ito ay partial fast na nakapokus sa mas pagkain ng gulay, prutas, at ibang healthy food, pero walang karne.

Ang hamon ni Daniel noon ay subukan siya at tatlo niyang kaibigan ng 10 araw na gawin ito na puro gulay at prutas  na walang halong karne at alak ang kanilang kakainin. Naging malakas si Daniel at tatlong kaibigan nito kaysa sa sundalo ng Babylon ni Nebuchadnezzar na naging masakitin dahil sa sobrang kain ng karne at pag-inom ng alak.

Ang Daniel Fast ay isang paraan ng cleasing ng katawan sa limitadong araw at oras lamang ginagawa ng mga Kristiyanong mayroong matinding panalangin sa Panginoon.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with