Paano ba magmukhang presentable?
Maraming dahilan kung kaya nagmumukha tayong ‘di presentable. Ito ‘yung maliliit na bagay na hindi natin masyadong pinapansin pero nakakaapekto sa ating appearance.
Narito ang mga halimbawa:
Kupas na damit – Mas presentable tingnan kung ang damit na susuutin ay matingkad tulad na lamang ng itim. Mapapansin na mukhang ragged kung kupas na ito kesa sa itim na itim na mukhang classy. Isang tips dito ay ang paglalaba gamit ang malamig na tubig.
Dirty white na damit – Iwasang gumamit ng hindi puting-puting damit dahil nagmumukha itong messy at dreary.
Balakubak – Tiyak na matu-turn off ang sinumang makakita ng dandruff sa iyong balikat lalo na kung ang suot ay dark colored.
Masyadong maraming accessories – Awkward kung titingnan kung pa-partneran ng napakaraming alahas ang mukhang busog sa make up.
Bigote at balbas na hindi maayos – Gaya ng pag-aayos ng mga babae, kailangan din ng tamang make over sa balbas at bigote ng mga lalaki para hindi sila magmukhang dugyot.
- Latest
















