Pagkalagas ng Buhok
Ang mga senyales ng pagkalagas ng buhok ay nag-iiba sa lalaki, babae, at mga bata.
Pero kahit sino anuman ang edad o kasarian ay tinatamaan nito.
Narito ang ilang sintomas ng pagkalagas ng buhok:
1. Pagnipis ng buhok sa scalp o sa bandang malapit sa anit.
2. Ang pagtaas ng hairline.
3. Biglaang pagkalagas ng patsi ng buhok sa ulo.
4. Biglaang pagkalagas ng lahat ng buhok sa katawan.
5. Tagpi-tagping pagkalagas ng buhok sa ulo at kilay.
6. Sobrang paglalagas ng buhok pero hindi naman nauuwi sa pagkapanot.
7. Kailangan namang kumonsulta agad kung ang isang bata ay biglang nalagasan ng isang patsi ng buhok sa ulo.
- Latest















