Commitment ng Mag-asawa
Ang love ng marami ngayon ay para na lamang kontrata. Ang totoo, hindi sapat na love lang ang kailangan upang magtagumpay ang isang relasyon.
Pero kakaiba ang ibig sabihin ng “I love you” sa mag-asawa na ang pangako na laging mananatili sa lahat ng araw upang patatagin ang commitment para sa isa’t isa.
Pangako na nagsasabi na kahit mawalan ng trabaho ang asawa, magkaroon ng karamdaman, magbago man ang itsura ni misis o mister, mawalan man ng tiwala sa sarili, iwanan ng mga kaibigan, at marami pang ibang kadahilanan.
Ito ay pangako na dapat sabihin sa partner na sasamahan, dadamayan, at itatayo tuwing nadadapa, papalakasin sa kahinaan, patatawarin sa mga pagkakamali, ibibigay ang pangangailangan bago ang sariling kapakanan, at mananatili kahit mahirap ang pinagdadaanan.
Ang ganitong kasiguruhan ay panghahawakan sa ups at down na hinaharap sa pamamagitan ng “better or worse” na kondisyon ng buhay nina mister at misis.
Mananatili nga ba ang commitment sa asawa? Kung gustong maging matatag ang marriage na magtatagal ng forever, magdesisyon at panindigan ito. Walang dapat makapaghihiwalay maliban sa tanging kamatayan sa pagitan ng mag-asawa.
- Latest
















