Nagbabalat na labi
Pangkaraniwang problema na ng mga kababaihan maging ng ilang lalaki ang pagkakaroon ng chapped lips o ‘yung labing nagbabalat at naninigas na kadalasan ay dahil sa lamig.
Pero alam niyo ba na isa sa mga sanhi nito ay ang pagiging dry ng inyong labi at kawalan ng tubig?
Una sa lahat, kailangang siguraduhin na kayo ay umiinom ng dalawa hanggang tatlong litro ng tubig araw-araw. Katunayan, mas kailangan natin uminom ng mas maraming tubig kung malamig ang panahon.
Isa pang paraan para panatilihing healthy ang labi ay ang paglalagay dito ng pipino na alam naman nating maraming healing properties na nakapagpapagaling at nakakabawas ng irritation.
- Latest

















