^

Para Malibang

Reklamo ng customer

PRODUKTIBO - Pang-masa

Sa negosyo hindi maiiwasan na harapin ang  dismayadong  customers. Ang challenge ay kung paano i-deal ang sitwasyon na aalis ang customer na iniisip na maayos ang ope­ration ng kompanya. Kung masuwerte ka, maaaring na-encourage ang customer na manatiling tangkilikin pa rin ang inyong brand. Maraming kostomer na tahimik na hindi nagko-complain na simpleng bibili na lang sa kakompentensiyang produkto.

May paraan na ang dismayadong customer ay gawing malaking pagkaka­taon para maging active na promoter ng iyong negosyo. Tandaan lamang na makinig sa sinasabi ng customer hanggang ito ay matapos. Huwag maging defensive. Hindi  inaatake ng customer ang iyong personality. Mayroon lamang siyang problema kaya siya dismayado. Ulit lang ang kung ano ang narinig na ipakita na ikaw ay nakikinig.

Magtanong sa tono na ikaw ay nagmamalasakit at may concern sa maayos na paraan sa reklamo ng buyer. Mas maraming information na alam, mas maiintindihan ang kanyang punto. Humingi ng paumanhin na walang sinisisi. Kapag na-sense na ikaw ay tapat sa paghingi ng sorry mawawala ang isyu. Huwag sisihin ang ibang tao o department. Sapat nang sabihin na “sorry po o paumanhin po!”

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with