Budget ng Pamilya
Ang budget ang unang hakbang para maayos ang financial na pangangailangan ng pamilya. Pero hindi ito magagawa ng isang upuan lamang. Kailangan ng ilang araw bago ma-break down ang lahat ng detalye at ma-manage pa isa-isa ang pera.
Pagsama-samahin lahat ng income mula sa sahod, interest, at regalo. Saka tingnan ang mga expenses sa araw-araw, kada-linggo, o kahit buwan-buwan na siguraduhing walang malalampasang bayarin. Saka pag-aralan kung alin ang babawasang gastusin, utang, at paano palalakihin ang savings.
I-post ang budget na mas maganda kung mababasa ng buong pamilya upang makatulong ang lahat na magpaalala kung kailan ang due date. Maging open sa suggestion ng iba kung may idea kung paano makakatipid. Saka puwedeng i-adjust ang listahan upang mapagkasya ang budget.
- Latest





















