Solusyon sa Paltos
BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
1. Kung ang paltos ay kasinlaki ng pea o gisantes at hindi naman pumutok ay kusa itong gagaling. Takpan lang ng loose bandage ito para maprotektahan.
2. Kung ang paltos ay nasa weight-bearing area tulad ng talampakan ay protektahan ito ng doughnut-shaped moleskin pad at iwang nakabukas ang blister.
3. Kung masakit ang paltos ay maaari itong putukin. Siguruhin lang na malinis ang karayom at itusok ito sa gilid ng paltos para lumabas ang liquid.
4. Kung ikaw ay may diabetes, HIV, cancer, o heart disease, iwasang putukin ang paltos.
5. Pagkatapos putukin ay hugasan ito ng tubig at sabunin.
6. Iwasan naman ang paggamit ng hydrogen peroxide o alcohol dahil nakababagal ito ng healing process.
7. ‘Wag tatanggalin ang balat sa ibabaw ng paltos kung hindi ito marumi o may nana.
- Latest
















