Masakit na Pakikipagtalik
May pinanggagalingan ang nararamdamang sakit sa pakikipag-sex.
Ayon sa www.emedicinehealth.com, may iba’t ibang treatments ang sex pains depende sa dahilan nito. Kaya mahalagang ma-identify muna ang sanhi ng sex pain o masakit na pakikipagtalik.
Natalakay na natin ang atrophy (pagnipis ng vaginal walls) dahil sa pagme-menopause
Talakayin natin ngayon ang tungkol sa Urethritis at urethral syndrome.
• Ang irritation sa urethra at lower bladder ay maaaring sanhi ng kakulangan sa estrogen. Ito ay maaaring bunga ng urinary burning o masakit na pag-ihi, madalas na pag-ihi, at pagpipigil ng ihi.
• Sa mga ganitong kaso, maaaring walang palatandaan na may infection sa microscopic examination ng ihi. Sa pagkawala ng chronic inflammation sa urethra, ang mga sintomas na ito ay maaaring dahil sa muscle spasms, anxiety, mababang estrogen levels, o combination ng mga bagay na ito.
- Latest

















