Sintomas ng Osteoarthritis
Ang osteoarthritis ay isang sakit sa joints. Hindi tulad ng ibang arthritis tulad ng rehumatoid arthritis at systemic lupus, ang osteoarthritis ay hindi nakaaapekto sa ibang organs.
Narito ang ilang sintomas ng osteoarthritis:
1. Pananakit ng joints kapag laging nagagamit.
2. Ang joint pain ay kadalasang mas masakit kapag papagabi na.
3. Pamamaga, pag-init, at pagtunog ng joints.
4. Pananakit at paninigas kapag hindi masyadong nagamit ang joints. Halimbawa ang matagal na pag-upo matapos manood ng sine.
5. Sa mga malalang kaso ay mayroon nang pagkawala ng cartilage at sumasakit ang joints dahil sa pagkikiskisan ng mga buto.
6. Ang osteoarthritis of the knee naman ay maaaring makuha sa paulit-ulit na injury o joint surgery sa tuhod.
7. Ang pananakit ng leeg o lower back ay maaaring sintomas ng osteoarthritis of the spine.
- Latest



















