Ibat ibang klase ng condom
Bukod sa sizes na small, medium, large, may iba’t ibang klase pa ang condoms.
Natalakay na natin ang Standard condoms, Thin condoms, Extra strong condoms at snugger o fitted condoms, Studded o Textured condoms, Colored condoms at Flavoured condoms. Mayroon ring Female comdom.
May mga specialized condoms din tulad ng mga sumusunod.
Warming condom
Warming, ibig sabihin, umiinit. Karaniwang gawa ito sa maninipis na latex para mas intense ang sensation. Karaniwang may umiinit itong lubricant na naa-activate ng natural body moisture na umiinit sa sexual intercourse.
Tingling Pleasure Condoms
Tingling sa tagalog ay pangingilig. Ang condom na ito ay nagdudulot ng intense na pangingilig sa babae at lalaki.
Ito ay dahil sa safe na spearmint tingling lubricant na may minty scent.
Sheepskin Condoms
Ang condom na ito ay gawa sa bituka ng mga tupa na maaaring gamitan ng water o oilbased lubricants para sa mas ‘natural feel.’
Sinasabing ang condom na ito ay epektibo laban sa pagbubuntis ngunit hindi sa infections.
- Latest
















