Sino’ng Mas Magaling Manloko?
• Maraming lalaki ang napipikot ng mga babae kaya mas naniniwala akong babae ang mas magaling na manloko. Maraming paraan ang mga kababaihan para makapanloko lalo na kapag maganda ito. Minsan ginagamit ng mga babae ang charms nila para makapanloko. Marami namang lalaki ang nauuto at nahuhulog sa kanilang patibong. – Richard, Nueva Vizcaya
• Nature na ng mga kalalakihan ang manloko. Aminado akong magaling akong manloko o magpaikot ng kapwa. Pero hindi ko naman sinasabing dapat ay manloko ng kapwa. Pero ang sinsabi ko ay ang skill ng pagmamanipula ng tao. Sa tingin ko ha, mas maraming scammers na lalaki at nangloloko na lalaki dahil mas may tiwala sila dahil nga lalaki sila. Hirap minsan magsinungaling ang babae dahil pakiramdam nila mahina sila. – Rasper, Makati
• Walang taong manloloko kung walang magpapaloko. Hahaha tanga na lang ng mga taong nagpapaloko kaya naman walang mas magaling na manloko para sa akin. Tingin ko may mga taong sadyang tatanga-tanga at hindi nag-iisip kaya may mga tao rin na magaling sa panloloko. Pantay lang naman ang mga lalaki at babae sa panloloko eh. – Chito, Davao
• Mas maraming lalaki ang magaling magpaikot. Naku, sa pamilya lang namin eh marami nang napaikot ang mga kuya ko. Hindi naman sa minamasama ko ang pamilya ko, pero skill lang siguro ‘yun na pagiging maboka nila kaya maraming naloloko. Hindi rin naman nila ginagawa ito sa masama. Ginagamit nila ang skill na ito para kumita ng pera. Ok naman ‘yun ‘di ba?
– Doddie, Bohol
• Tinatanong pa ba ‘yan? Babae naman talaga ang magaling manloko ng kapwa. Ilang beses na akong naloko ng babae. Ilang beses na akong nagulangan ng babae sa beer house. Nadukutan ng seksing babae sa jeep. Kahit nga nene ay nautakan ako at naloko para makakupit sa akin. Tsk Tsk Tsk. Ang mga babae nga naman talaga. – Jestoni, Palawan
- Latest
















