Therapeutic Massage
Kapag sinabing masahe, naiisip agad ang scented oil at masarap na relaxation ngayong weekends. Ang massage ay hindi lang luxury kundi ito ay seryosong maganda sa kalusugan. Ang therapeutic massage ay nakatutulong na paluwagin ang matitigas at nangangalay na muscles, pagkatapos ng intense na workout o trabaho. Para muling maka-recover sa impact mula sa nakakapagod na isang linggong pagtatrabaho, exercise, stressful na schedule at makabalik sa normal na magandang pangangatawan. Sa pamamagitan ng massage ay naibabalik ang nababaluktot na muscles at joint. Magiginhawaan din ang masasakit na iniindang muscle pain. Sa massage ay ma-stretch at ma-flush out ang toxic para gumanda ang daloy ng dugo sa katawan.
Huwag lang puro push at pagurin ang katawan, kailangan din ng masahe na magandang pangbalanse na nagbibigay ng endorphins at stress reliever.
- Latest
















