Sino’ng Mas Mabilis Maka-move On?
• Lalaki siyempre. Base lang naman ‘yun sa experience ko. ‘Yung mga kuya ko kasi kapag nakikipag-break sa mga babae eh halos isang linggo lang may bago na namang girlfriend. Samantalang si ate kapag nakikipag-break eh halos isang taon kung magluksa sa ex niya. Kaya sa tingin ko lalaki talaga ang mas mabilis maka-move on sa mga heartbreak. – Rico, Navotas
• Parang babae mas mabilis maka-move on. Kasi ‘yung ex ko isang araw pa lang may bago na siyang dyowa. Eh kung tutuusin halos limang taon din naging kami. Naipagpalit niya agad ‘yung limang taon namin sa lalaking kakakilala pa lang niya at isang araw pa lang kami naghihiwalay eh may bago na namang itinitibok ang puso niya. Kaya tingin ko babae talaga. Hay buhay! – Lito, Pangasinan
• Wala namang pinipili ‘yan. Depende ‘yan sa tao at saka kung iisipin mo, ang pag-move on naman ay isang uri ng lakas ng loob at katapangan. Kaya kung pipiliin mong magmukmok, talo ka. Kung pipiliin mong mag-move on agad siguradong ikaw ang panalo dahil mas mai-enjoy mo pa ang maraming bagay at hindi patatalo sa kalungkutan. Babae ang problema mo? Sobrang dami jan! Lalaki ba ang hanap mo? Add mo ako sa Facebook hahaha – Kervin, Cebu
• Move on? Lalaki ‘yan! Kasi naman ang mga babae kapag may sinabi ka sa kanilang bagay, matagal nila ‘yan makalimutan. Kukulitin ka nang kukulitin hangga’t ‘di mo naibibigay ang naipangako mo. O kaya naman hindi ka tatantanan kapag may pinagselosan hanggang hindi ikaw ang nagagalit. Subukan mo reverse psychology. Kapag may pinagselosan ang GF mo at hindi ka tinigilan sa kakabunganga eh ikaw ang aktong magalit, tingnan ko lang kung hindi ‘yan tumiklop. Hehe – Rico, Bohol
• Hindi ko na alam ang gagawin ko huhu. Three years na kaming hiwalay ng ex-GF ko pero hindi pa rin ako maka-move on. Hirap na hirap ako lagi at wala akong ibang naiisip. Wala akong alam kung sino ang mas mabilis maka-move on pero sana maka-move on na ako. Huhuhu Ano ba ang dapat gawin para maka-move on? – Lance, Abra
- Latest





















