Kapag Walang Suot na Bra
Kapag nagdesisyon na huwag magsuot ng bra ay nakararamdam ng kirot o sakit pero ito ay senyales na nawawala na rin ang paninikip sa dibdib na pagkalipas ng ilang linggo at buwan ay giginhawa o masasanay na ang pakiramdam dahil sa magandang sirkulasyon at movement ng breast.
Ang pananakit sa katawan ay signal na may namamaga, toxic, hormonal imbalance, o mayroong hindi normal sa kung saang parte. Hindi normal na may laging nararamdamang sakit sa katawan ng walang dahilan. Matagal nang hinahamon na huwag nang magsuot ng bra ang babae dahil sa maraming health benefits, nababawasan ang discomfort, mas naa-achieve ang maraming pakinabang kung walang suot nito.
Kapag hindi komportable sa breast ito ay senyales ng hormonal imbalance at high estrogen levels na maaaring maging dahilan para lumaki at lumambot ang dede. Kapag masakit ang breast ay kailangan kumain ng masustansyang pagkain para maging healthy at buhay na buhay ang iyong hinaharap. Kailangan ding magpatingin sa doktor para masuri agad ang kalagayan ng breast. Ang nutrisyon, kapaligiran, at paniniwala ay malaking epekto sa kalusugan. Maging responsible sa kinakain at katawan para maingatan din ang kabuuan ng kalusugan.
- Latest
















