^

Para Malibang

Dark Spots sa Mukha

PITO-PITO - Pang-masa

Maaaring makaapekto sa self-esteem ang black o dark spots sa mukha na dulot ng overexposure sa araw, hormone imbalance, gamot, vitamin deficiencies o sobrang stress at kakulangan sa tulog. May mga paraan sa bahay na makatutulong sa pagtanggal ng mga ito para hindi na gumastos nang malaki sa mga clinic.

1. Pigaan ng lemon juice ang cotton ball at marahang kuskusin ang apektadong bahagi. Patuyuin ito bago banlawan ng tubig. Ulitin ang proseso sa loob ng 2 linggo.

2. Maghiwa ng patatas at direktang ipatong sa mukha habang nakahiga. Iwan ng ilang minuto bago banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig.

3. Maghalo ng 4 kutsaritang buttermilk at 2 kutsaritang fresh tomato juice. Ipahid ito sa mukha at hugasan pagkaraan ng 15 minuto.

4. Pahiran ng aloe vera gel ang dark spots sa mukha at marahang masahihin ng ilang minuto. Iwang ng 20 minuto bago banlawan. Ulitin ito 2 beses sa isang linggo.

5. Gumawa ng paste mula sa 2 kutsaritang turmeric at kaunting gatas at lemon juice. Ipahid ito sa black spots at iwan ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.

6. Maggiling ng 1/2 tasa ng rolled oats at lagyan ng 4 kutsarang lemon juice para makagawa ng paste. Ikuskos ito sa balat at banlawan ng maligamgam na tubig.

7. Maggayat ng green papaya at lagyan ng lime juice. Ipahid ang mixture sa mukha at iwan ng 15 minuto bago banlawan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with