Pamparami ng Gatas ng Ina
Importante ang breastmilk sa baby lalo na sa bagong panganak na sanggol. Maaari kasing magdulot ng malnutrisyon ang kakulangan sa gatas ng ina. Kaya mainam na piliting painumin ng breastmilk ang mga bata. Narito ang ilang paraan para maparami ang suplay ng breastmilk.
1. Marahang masahihin ang suso sa loob ng limang minuto bago magpadede ng bata. Gamit ang tela na isinawsaw sa mainit na tubig masahihin ang nipple area at idiin ito paloob ng dibdib.
2. Maghalo ng 1 kutsaritang cumin powder at 1 kutsaritang asukal sa 1 baso ng mainit na gatas bago matulog sa gabi.
3. Maghalo ng isang kurot ng cinnamon powder at 1/2 kutsarita ng honey sa 1 tasa ng mainit na gatas. Inumin ito bago matulog sa gabi.
4. Magpakulo ng ginadgad na 3 cloves ng bawang sa 1 tasa ng tubig hanggang matuyo ang tubig ng sangkapat. Dagdagan ng gatas at pakuluan uli. Tanggalin sa apoy at lagyan ng 1/2 kutsaritang honey at salain. Inumin araw-araw tuwing umaga.
5. Uminom ng kalahating baso ng malunggay juice araw-araw.
6. Kumain ng oatmeal na may gatas tuwing agahan.
7. Mag-juice ng carrots at dalawang beetroots. Lagyan ng asin o honey depende sa panlasa. Inumin dalawang beses sa isang araw.
- Latest
















