Trip ng mga Psychopath at Sociopath
Ang psychopath ay dumadanas ng chronic disorder na may abnormal o bayolenteng pag-uugali. Pwede rin ang sociopath na may antisocial personality disorder. Maaaring nakakahalubilo ng ganitong klase ng personality mula sa pamilya o kaibigan.
Hindi sila ang tipo na nagbibihis tulad ni Joker mula sa Batman series o laging nakasuot ang overcoat na black. Kundi ang ganitong disorder ay nakikisalamuha na nagpapanggap na masayahin, pero sa kalooban ng pagkatao ay may kasamaan na itinatatago. Para makaiwas sa mga praning na psychopath ay alamin ang kanilang characteristics.
Isa sa classic na ugali ng psychopath ay mayroong emotional poverty. Hindi ito nakakatagal na nag-iisa dahil hindi niya kaya ang malulungkot na moment. Kaya maghahanap ito ng mabibiktima na emotionally abuse rin na kanyang pagtripan.
Hindi sila nakakaintindi ng loyalty o love. Ang tingin nila sa love ay hindi karespe-respeto. Kahit wala silang kakayahang magmahal, nangangailangan naman sila ng love mula sa normal na tao.
Ang tingin nila sa normal na tao ay isang bagay na dapat paglaruan, ginagamit, pinagsisinungalingan, at sinasaktan. Madali silang mabagot, ma-boring, at walang kapaguran. Gusto nila, sila ang nagkokontrol, mag-manipulate, at pinasusunod ang ibang tao.
Kapag may kaibigan na ganitong pag-uugali ay layuan agad at putulin ang anumang ugnayan. Huwag nang maghintay na may masama pang mangyari sa kanyang pangbibiktima.
- Latest

















