^

Para Malibang

Stiff Neck

PITO-PITO - Pang-masa

BABALA: Kumunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

Masakit ang stiff neck na mula sa nangalay na muscle dahil sa maling posisyon sa pagtulog, pagbubuhat ng mabigat o kahit maling posture habang nakatutok sa laptop o PC. Mawawala rin naman ito makalipas ang ilang araw pero nakakasagabal ito sa pang-araw-araw na gawain. Narito ang ilang paraan para maibsan ang sakit na dulot ng stiff neck.

1. Maligo ng mainit na tubig para ma-relax ang muscles. Magpahid ng mainit na olive, coconut, o mustard oil sa leeg at balikat. Masahihin ang leeg at balikat.

2. Magbalot ng ilang piraso ng ice cubes sa manipis na towel. Ipatong ito sa leeg sa loob ng 15 minuto. Ulitin matapos ang kada-dalawang oras sa unang 48 hours.

3. Maglagay ng 2 tasa ng Epsom salt sa bathtub na puno ng mainit na tubig. Magbabad hanggang malubog ang leeg sa loob ng 20 minuto. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.

4. Magpainit ng 3 kutsaritang olive oil sa microwave sa loob ng ilang segundo. Patakan ng peppermint essential oil. Marahang imasahe ito sa leeg dalawang beses sa isang araw.

5. Magbabad ng tissue paper sa apple cider vinegar. Ilapat ito sa leeg ng ilang oras. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.

6. Maghalo ng ca­yenne pepper sa mga lutuin.

7. Uminom ng turme­ric capsule pero itanong muna sa doctor kung puwede ito sa inyo.

STIFF NECK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with