^

Para Malibang

Pangalawang Anino(18)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

 LUMIPAS ang anim na buwan. Excited na si Alona.

Ang laki na ni Yawan, Roger. At mas lalo pang gumanda. Pero alam ko na mas higit siyang gaganda dahil malapit nang itigil ang pagsusuot sa kanya ng puro itim!”

“Oo nga, ano? Bukas ay ikaanim na buwan na ni Yawan. Pero wala pang sinasabi si Tagapag-alaga na may ihahandang pagsalubong sa kanyang pagiging anim na buwan. Baka may seremonya na naman ‘yan. Okay lang basta hindi nila sasaktan ang anak natin.”

“Hindi naman siguro. Ang ganda-ganda nito sasaktan nila? O... o... ang ganda talaga!”

At pinanggigigilan ni Alona na itaas sa may araw si Yawan.

Napatingin si Roger sa tapat ng batang nakataas.

Kumunot ang noo niyang napatingin sa tapat ni Yawan na hawak pa ring nakataas ni Alona.

“Alona, tingnan mo nga ... tama ba ako na sa tingin ko ay dalawa ang anino ng ating anak?”

“Ha?”

“Hayan, o. Tingnan mo. Dalawa talaga, e.”

“Baka lasing ka pa rin hanggang ngayon, Roger? Noong binigyan ka ng mga lalaking taga-Itom ng matapang na lambanog ay naparami ang ininom mo kagabi!”

“Ikaw naman! Hindi ako lasing! Kanina nga nang nag-almusal tayo ay sarap ng kuwentuhan natin. O, mukha ba akong lasing nang nakipagkuwentuhan sa ‘yo?”

“Hindi naman. Pero kasi para kang duling, e. Alin ba diyan ang dalawang anino? Isa, meron. Pero dalawa, hindi.”

“Sabi nang ... aba, nawala ang pangalawa. Isa na lang ang nandidito!”

“Sabi na sa iyo, e. Huwag ka muna ka­sing magtiwala sa mga mata mo ngayon. Pati mga ‘yan ay apektado ng lambanog! Hihihi!”

Hindi na lang maipilit ni Roger ang kanyang nakita. Dahil nga naman wala siyang pruweba. Wala na ngayon sa tapat ni Yawan ang pangalawang anino.

Tumayo ang mag-asawa nang pumasok sa kanilang silid si Tagapag-alaga. “Magsi-siesta na ba kayong mag-anak?”

“Oho. Ang sarap ng hangin dito sa ­ba­l­­­­­ko­nahe, e. Dito kami matutulog. Pero patutulugin muna namin si Yawan.”

“May sasabihin ako sa inyo. Makinig ka­yong mabuti.”- Itutuloy

 

vuukle comment

ALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with