Naiipit sa Away ng Nanay at Asawa
(Pang-masa) - February 28, 2017 - 10:10pm

Dear Vanezza,

Pauwi na ako ng ‘Pinas mula sa pagtatrabaho  sa Saudi. Pero naiipit ako sa away ng nanay at asawa ko. Ako ang higit na nasasaktan sa hindi nila pagkakaintindihan. Balak ko sana na ilayo ng lugar ang pamilya ko sa mga magulang at mga kapatid ko. Para matigil na ang gulo na madalas isinisisi sa mga anak at asawa ko. – Kulag

Dear Kulag,

Pagkakataon sana para  magkaintindihan ang asawa at nanay mo sa anumang problema nila ngayong uuwi ka na para mamagitan sa dalawa. Pero kung kailangan munang umiwas ang isa’t isa ay mas maganda nga. Kapag malamig na ang lahat ay suyuin mo pa rin ang iyong nanay para pagpalain ang buong pamilya. Ipaalala sa iyong asawa na magpasensiya siya sa nanay mo at dapat ka­yong magpakumbaba.

Sumasainyo,

Vanezza

AWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with