Financial Freedom
(Pang-masa) - January 23, 2017 - 12:00am

Ang hinahangad  na  financial freedom ay hindi madali. Pero ang good news lahat ay puwedeng  i-apply ang prinsipyo ng pagtitipid at pag-minimize ng gastusin. Sa paglilinis ng kalat sa ating buhay ay mas makakapagpokus  na mabayaran ang utang, pagbabago ng bad ha­bits, at magkaroon ng tamang desisyon kahit pa sa konting pinagkukunan ng suweldo o resources.

Lahat nang nabanggit ay kayang gawin ng kahit sino maging ang kumikita ng minimum wage o may six-figures na income. Kahit pa single, maraming anak, at mag-asawa. 

Hindi kailangang maghintay na lumaki muna ang suweldo, kundi ngayon ang tamang panahon na simula ang adbokasiyang magkaroon ng financial freedom. Lahat ng indibidwal ay kayang gawin ang tamang prinsipyo ng pagtitipid at pagba-budget, hindi kailangang panghinaan ng loob na makalaya sa financial struggle, kundi magkaroon ng financial freedom.

FINANCIAL FREEDOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with