Monthly Budget
Karamihan sa atin ay hindi alam kung saan napupunta ang perang kinikita natin. Akala natin ay alam natin, pero hindi talaga. Dobleng katotohanan ito sa mga mag-asawa.
Para magkaroon ng financial freedom o kalayaan sa utang ay dapat magkaroon ng monthly budget.
Alamin ang monthly expenses base sa six months at hatiin ang gastusin sa tatlong categories: Need, Want, Like. Isulat ang expenses araw-araw mula pagkain, housing, utilities, insurance, cars, gas, transportation, clothes, credit cards, phones, Internet, pets, entertainment, at ibang bagay. Triplehin ang check list ng mga items para sa priorities budget na kailangan lang sa personal at pamilya. Saka lang bumili ng mga bagay na gustong bilhin hanggang i-cut lang ang budget. Tandaan na mag-strict lang sa kailangan at hindi lang sa gusto o luho ng katawan. Hanggang makasanayan kung saan lang ang limitasyon ng paggastos ng pera.
Kapag naka-assign na kung saan lang ang budget, hindi matatakot na bumili o mag-purchase ng items dahil alam mong hindi dapat gastusin ang pinaglalaanang pera.
- Latest
















