Buhaghag na Buhok
1. Banlawan ang buhok gamit ang carbonated water pagkatapos mag-shampoo. Halimbawa ng carbonated water ang club soda, soda water o sparkling water na nabibili sa mga grocery.
2. Maghalo ng magsindaming tubig at apple cider vinegar para medyo mawala ang acidity nito. Gamitin ang solution bilang huling banlaw pagkatapos mag-shampoo. Gawin ito kada dalawang linggo.
3. Basain ang buhok ng beer at iwan ito ng ilang minuto bago banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito isang beses kada dalawang linggo.
4. Magdurog ng avocado at haluan ng mayonnaise para makagawa ng smooth na paste. Gamitin itong hair mask dalawang beses sa isang linggo.
5. Magdurog ng isang hinog na saging gamit ang tinidor. Haluan ng 1/4 tasa ng yogurt. Lagyan ng tig-2 kutsarang honey at olive oil. Ipahid ito sa buhok at anit. Maglagay ng shower cap at iwan ng 30 minuto bago mag-shampoo at conditioner. Gawin ito 1 beses sa isang linggo.
6. Maglagay ng 2 kutsarang coconut milk sa isang maliit na palayok at painitin. Ipahid ang coconut milk sa buhok at takpan ng tuwalya ang ulo. Iwan ito ng magdamag bago banlawan kinabukasan. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.
7. Magpainit ng 1 tasa ng olive oil at ipahid sa buhok. Takpan ng shower cap at mainit na tuwalya ang buhok. Iwan ito ng isa’t kalahating oras. Mag-shampoo at banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito tatlong beses kada-araw.
- Latest
















