Bagong Bermuda ‘Triangle
Isa pang tatsulok ang notorious sa mga supernatural na pangyayari. Ito ang tinatawag na Bridgewater Triangle, isang area na may halos 200 square miles na matatagpuan sa Southeastern Massachusetts. Kumbaga ito umano ang tinatawag na buffet ng mga supernatural.
Ito na raw ang papalit sa Bermuda Triangle dahil sa rami ng nakakapangilabot na pangyayari sa lugar. Mula pa 1970’s ay iba’t iba nang nilalang ang nakikita rito kabilang ang mabuhok at parang tsonggong nilalang na palabuy-laboy sa sapa. May mga nakakikita rin daw ng Thunderbirds, giant Pterodacyl-like creatures na lumilipad sa himpapawid. Noong 1976 naman ay may report na isang lalaki ang nakakita ng higanteng aso na may pulang mata. Sinakmal umano nito ang mga leeg ng kanyang alagang kabayo.
Bukod sa mga nilalang na nakikita ay marami ring report ng animal mutilations na karaniwan ay baka at kabayo ang biktima. Sabi’y mga kulto ng Satanista ang may kagagawan ngunit wala naman silang ideya kung saan nagmumula ang mga hayop na pinatay.
Marami ring UFO sightings sa lugar magmula pa 1760 kung saan unang nakita ang bola ng apoy na lumilipad sa New England. Simula noon ay marami na silang UFO na nakikita kabilang ang mga itim na helicopter.
Ano nga kaya ang mga nakikita nila rito. Isa lang ba itong dulot ng kanilang imahinasyon o may katotohan sa istorya ng mga ito? Kayo na ang humusga.
- Latest

















