^

Para Malibang

Pamamaga ng gilagid

PITO-PITO - Pang-masa

1. Pagkatapos magsipilyo ng soft-bristle brush, marahang hilutin ang gilagid ng asin ng ilang segundo. Magmumog ng maligamgam na tubig. Gawin ito 1 beses sa isang araw. ‘Pag gumaling na ay gawin itong 3 beses kada linggo para maiwasan ang pagbalik ng pamamaga.

2. Maghalo ng magsindaming 3% ng hydrogen peroxide solution at tubig. Imumog ito sa paligid ng gilagid sa loob ng 30 segundo. Magmumog ng maligamgam na tubig.

3. Maghalo ng 1/4 kutsaritang turmeric powder at kaunting tubig para makagawa ng paste. Ipahid ito sa gilagid gamit ang malinis na daliri. Iwan ito ng 5 minuto at marahang masahihin ng 1 minuto. Magmumog ng maligamgam na tubig. Gawin itong 2 beses kada araw.

4. Magbabad ng black tea bag sa kumukulong tubig sa loob ng 3 minuto. Tanggalin ito sa tubig at palamigin hanggang sa kaya nang ilagay sa gilagid. Ilagay ito sa apektadong bahagi ng gilagid sa loob ng 15 minuto bago magmumog ng mali­gamgam na salt-water solution.

5. Pahiran ng aloe vera gel ang gilagid at masahihin ng 2 minuto. Magmumog ng maligamgam na tubig.

6. Maghalo ng ilang patak ng tea tree oil sa isang baso ng maligamgam na tubig. Gawin itong mouthwash dalawang beses sa isang araw.

7. Kumain ng mga pagkaing mataas sa vitamin C tulad ng orange, strawberry, kiwi, pineapple, bell pepper, at broccoli.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with