Senyales ng dehydration
Ang pag-inom ng tubig ang isa sa puwedeng dahilan ng pagbaba ng timbang. Dahil ito ay pamalit sa high-calorie na iniinom tulad ng soft drinks at alcohol na mga pampataba at lumalaki pa ang tiyan dahil sa mga nabanggit na inumin.
Samantalang ang water ay walang fat, calories, carbs, at no sugar na kahit ilang baso o bote ang laklaking tubig ay hinding-hindi madadagdagan ang timbang, kundi liliit pa ang tiyan at malilinis ang toxic sa katawan.
Maaaring pamalit na appetite suppressant ang water na kung nakararamdam ng gutom ay subukan munang uminom ng tubig. Dahil malamang ay nauuhaw lamang ang pakiramdam. Kaya kung gustong mag-diet ay dagdagan ang pag-inom ng tubig kahit maya’t maya kapag feeling na gustong kumain.
Mawawala rin ang pakiramdam na nagugutom at manunumbalik muli ang lakas. Kapag nauuhaw, ito ay sign na ikaw ay dehydrated na mauuwi sa feeling na pagod, panghihina, nahihilo, at iba pang senyales. Pero kahit isang lagok ng water ay mapapawi ang panunuyo ng lalamunan at babalik ang energy.
- Latest




















