Puwede Pa ring Mabuntis sa Withdrawal
Oo, may tsansang mabuntis ang babae kahit na gumagamit ng withdrawal method.
Ang withdrawal o pull-out method ay hindi reliable kung hindi pa handang magbuntis.
Pero mas maigi nang may ginagawang proteksiyon para hindi mabuntis kaysa sa wala.
Pero isa itong option para sa mga couple na wala namang problema kung mabubuntis ang babae.
Sa withdrawal method, hinuhugot ng lalaki ang penis mula sa vagina bago siya mag-ejaculate kaya mas kakaunting sperm lang ang nakakapasok.
Pero hindi ito ganun kadaling gawin para sa mga lalaki.
Kailangan ng lalaki ng matinding pagkokontrol para sa tamang timing.
Hindi effective ang method na ito kung hindi alam ng lalaki kung malapit na siyang mag-orgasm o kung hindi niya kayang magpigil o tiyempuhan ang tamang timing.
Narito ang tip ng WebMD.com para maging epektibo ang withdrawal method.
Huwag umasa sa withdrawal sa mga araw na nag-o-ovulate kung saan malaki ang tsansang mabuntis.
Makabubuting umihi muna ang lalaki bago mag-sex para ma-clear ang sperm na maagang lumabas.
Kapag nag-ejaculate ang partner, siguraduhing hindi ito malapit sa vagina dahil puwedeng makapasok ito sa vagina.
Kung magagawa ng tama ang withdrawal method ay maiiwasan ang pagbubuntis ngunit karamihan sa mga couples ay may ginagawang mali kaya nadidisgrasya.
- Latest




















