^

Para Malibang

Bermuda Triangle ng Pacific Ocean

MRYOSO - Pang-masa

Hindi lang ang Bermuda Triangle ang kinatatakutan dahil sa Japan ay may tinatawag ding Devil’s Sea o Dragon’s Triangle. Isa itong area sa Pacific Ocean kung saan may mga kakaiba ring nangyayari tulad ng Atlantic counterpart nitong Bermuda. Matatagpuan ito malapit sa dalampasigan sa Japan at marami na ang hindi maipaliwanag na kaganapan dito tulad ng magnetic anomalies, hindi maipaliwanag na liwanag at bagay, at siyempre ang mga misteryosong pagkawala ng mga nagdaraan dito. Ang nasabing lugar din ay kinukunsiderang delikado ng mga Japanese fishing authorities.

Noong 1952 umano ay nagpadala ang Japanese government ng research vessel, ang Kaio Maru No. 5 para imbestigahan ang mga misteryo ng Devil’s Sea. Pero ang nasabing sasakyang pandagat kasama ang 31 na crew nito ay hindi na nakita pang muli. May isa pang istorya kung saan sinubukan ni Kublai Khan na sakupin ang Japan at sa Devil’s Sea nagdaan pero nawalan siya ng 40,000 na tauhan.

Ang mga teorya sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari ay sinasabing kagagawan ng aliens, gate sa parallel universes, at kahit sa Atlantis. Pero may mga nagsasabing gawa umano ito ng mga bulkan sa ilalim ng dagat kung saan mataas ang volcanic activity sa nasabing rehiyon.

Sa palagay n’yo kagagawan nga lang ba ng mga sumasabog na underwater volcanoes ang mga pagkawala rito? O kagagawan ito ng aliens? Baka nga naman may daanan din sa nasabing lugar papunta sa ibang dimensyon? Kayo na ang humusga.

DEVIL’S SEA O DRAGON’S TRIANGLE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with