Etiquette Attire
Kahit sa pagpunta sa funeral services ay may dress code rin na sinusunod. Lalo sa ibang bansa na tagalang naka-suit pa ang mga kalalakihan at naka-dress naman ang mga babae bilang pagsunod sa etiquette attire.
Sa ating bansa ay casual wear lang ang isinusuot ng lahat kapag dadalaw sa lamay. Pero minsan ay may motif din ang immediate family na madalas ay kulay puti kapag araw ng libing ng patay. Bilang pagbibigay respeto at tanda ng pagpapaalam sa namatay.
Automatic naman sa lahat ang nagsusuot ng kulay na itim para ipadama ang pakikiramay sa kaanak. Noong panahon ng Roman Empire part na ng custom ang pagsusuot ng itim na toga bilang simbolo ng pagdadalamhati.
Kaya walang nagsusuot ng kulay na pula kapag dadalaw sa patay dahil kahit hindi sabihin ay nakaka-offend ito sa pamilya ng may patay. Ang red ay sagisag ng energy at action na kalimitan ay pagbubunyi sa may kaarawan o Kapaskuhan.
Ngayong dadalaw sa sementeryo, mas magandang magsuot ng light na kulay na damit. Ito ay para hindi mainitan kapag nakipagsiksikan sa rami ng mga tao na dadalaw sa mga puntod sa sementeryo. Ang ibang mga babae ay puwedeng magsuot ng sleeveless, pero huwag ang pagsusuot ng sobrang iksi ng shorts kung pupunta sa sementeryo.
- Latest

















