Aso’t pusa na mag-BFF

Sa mundo ng mga hayop, pinaniniwalaang mahigpit na magkaaway ang aso at pusa. Sa maraming cartoon din, napapanood na talagang magkagalit sila sa isa’t isa.

Pero kakaiba ang alaga ni Bert Jonkhans na paborito niyang kunan ng litrato. Sa ma­rami niyang litrato sa alagang aso at pusa, tinawag niya itong mag-best friends dahil sa kakaibang bonding na ipinakikita ng dalawang alaga.

Palaging natutulog ang pusa na si Hanes sa tabi ng alaga niyang aso na si Hessel.

Ayon sa amo, ngayon lamang niya nakitaan si Hessel ng kakaibang “pagmamahal” sa pusa. Noong wala pa kasi si Hanes, lagi raw itong nagtatahol at nanghahabol ng mga pusa.

Ngayon nga ay halos hindi na sila magkahiwalay at sa tuwing naglalaro raw si Hanes sa iba’t ibang sulok ng bahay ay agad itong hinahanap ni Hessel para lambingin.

Show comments