^

Para Malibang

Mandarayang puso

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang tao ay pinagpala ng gift ng emosyon o nararamdaman. Ang problema marami ang hindi alam kung paano ikontrol ang  emosyon na sa punto na hinahayaan nating madala tayo ng ating nararamdaman. Ang emosyon ay dapat walang puwang pagdating sa business, kritisismo, at lalo na sa kapag gagawa ng desisyon sa buhay.

Kailangan matutunan na maging manhid kapag magdedesisyon lalo na kung ito ay may malaking epekto sa buhay. Kaya tigilan na ang pagiging sob­rang emosyonal, kundi ay maging totoo sa sarili. Dahil ang totoo ay natatakot lang kung paano magre-react sa isang sitwasyon.  Maaaring parang komplikado kung pakikinggan, pero ang totoo ay hindi dapat pinaghahalo ang emosyon pagdating sa decision making. Iwanan muna sa labas ng pinto ang emosyon. Dahil kailangang tanggapin ang brutal na katotohanan na magbibigay ng magandang benepisyon para sa mahalagang desisyon ng buhay.

Sa maikling sabi, dapat ay maging totoo sa sarili. At hindi puro emosyon o puso ang pinaiiral. Kalimitan sinasabi ng marami na sundin mo ang sinasabi ng iyong puso, ibig sabihin ng iyong emos­yon o damdamin.

Pero ang wisdom na itinuturo ng Bible sa Je­remiah 17:10 na ang “The heart is deceitful above all things… Hindi dapat sinusunod ang sinasabi ng puso.. dahil ang puso o damdamin ay mandaraya sa lahat.  Ang emosyon ay pabagu-bago dahil hindi ito nakabase sa katotohanan. Kaya sa susunod na magdedesisyon ay ibase ito sa realidad at hindi sa dinidikta ng damdamin.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with