Balanseng buhay
Kung ang buhay ay walang limitasyon ano ba ang pipiliing gawin at gustong magkaroon na hinahangad?
Ang sarap isipin, paano nga kung walang limitasyon ang buhay, tapos may sapat naman na pera at oras na talaga parang sa iyo lang ang buong mundo. Saan ba gustong pumunta? Sino ang gustong kasama?
Sa totoo lang hindi kailangan ng malaking halaga para lang maging masaya sa buhay. Akala ng iba ang happiness ay resulta ng suwerte, pagkakataon, o dahil sa pera.
Matuto dapat na makuntento sa buhay. Hindi kailangan mag-alala at i-stress ang sarili ng mga bagay na wala ka. Dahil ang happiness ay mindsetting lamang.
Maging masaya at ibigay ang best kung ano ang meron at hindi sinasayang ang oras sa kakaisip na wala sa iyong kamay.
Ganyan ang mga miserableng at malungkot na tao na panay ang isip nang isip ng mga bagay na wala sa kanilang buhay.
Samantalang ang masasayang tao ay marunong makuntento at magbalanse sa kanilang buhay. Yung binibigyan ng oras ang lahat ng bagay na mahalaga sa kanila. Ito man ay maging pamilya, kaibigan, career, health, personal na relasyon sa Panginoon, at marami pang iba. Ipinagpapasalamat ang blessings na natatanggap sa kanilang harapan.
- Latest




















